Pages

Friday, July 13, 2012

Same Old Songs



Same Old Songs
Same old songs
You always sing
For the rest of your 
Erase and rewind
Never moving forward
You're grounded.

Same old songs
You must not sing
Let go of the tone
Give up the lyrics
Chose something challenging
It's best to be brand new! 


Negosyo


Negosyo

Ang
Negosyo ay parang
Isang pagtatanim ng isang punla
Pagaaralan mo bago itanim. Pangangalagaan
Mo ng mabuti, poprotektahan mo laban sa
Mga bagay na maaaring mapanira o makasisira,
Sa anumang panahon, sa mga umaaligid na
Damo, sa anumang klaseng hayop na
Makasisira o kaya naman masasama.
Kinakailangang nasa tamang lugar,
Kung saan sumisikat
Ang araw
Mataba
Ang lupa.
Sa una ay
Mahirap
pero habang
 tumatagal ay padalili
Na nang padali. Basta’t matiyaga ka lang sa
Pagdidilig nito araw- araw. Darating ang araw
Ay magkakabuga ito at masusulit ang pagod mo
Aanihin mo rin ito nang higit pa sa isang punla
At mamaaari mong itanim ang mga ito
Para mas lalo pang palaguin!


Gunita

Gunita

Pagpumanaw ba ako sa mundong ito,
Sa paglipas ng maraming panahon
Maaalala pa kaya ako ng kahit sinuman?
Matatanda pa kaya ang mga nagawa ko?

Ordinaryong tao lang ako na nabubuhay
Simple lang ang hangarin ko sa buhay
Hindi naman ako mayaman o mahirap
Mababa lang ang pinag-aralan ko

Hindi ako tulad ng mga artista
O ng sinuman na tao na tanyag sa lipunan
Na bukas na aklat sa buong mamayan
At maraming kakilala’t kaibigan

Darating ang mga araw, lilipas ang panahon
Sa kamatayan ko’y maaabot din ako
Sa alaala ng sinuman ay malilimutan din ako
Sa bawat puso’y tuluyan din akong mabubura

Wala akong maiiwanang mga kontribusyon
Mga kathang literal o mga pelikula na immortal
O kaya’y mga mahalagang ambag na tumatak
Ang litrato ko’y unti-unting maaagnas

Sa puso’t isipan ko kailanman mananatili
Mga alaalang nagawa ko at pinagdaanan
Mga taong nakilala ko at nakilala ako
Nuong nabubuhay pa hanggang sa kabilang buhay.