Pages

Friday, July 13, 2012

Gunita

Gunita

Pagpumanaw ba ako sa mundong ito,
Sa paglipas ng maraming panahon
Maaalala pa kaya ako ng kahit sinuman?
Matatanda pa kaya ang mga nagawa ko?

Ordinaryong tao lang ako na nabubuhay
Simple lang ang hangarin ko sa buhay
Hindi naman ako mayaman o mahirap
Mababa lang ang pinag-aralan ko

Hindi ako tulad ng mga artista
O ng sinuman na tao na tanyag sa lipunan
Na bukas na aklat sa buong mamayan
At maraming kakilala’t kaibigan

Darating ang mga araw, lilipas ang panahon
Sa kamatayan ko’y maaabot din ako
Sa alaala ng sinuman ay malilimutan din ako
Sa bawat puso’y tuluyan din akong mabubura

Wala akong maiiwanang mga kontribusyon
Mga kathang literal o mga pelikula na immortal
O kaya’y mga mahalagang ambag na tumatak
Ang litrato ko’y unti-unting maaagnas

Sa puso’t isipan ko kailanman mananatili
Mga alaalang nagawa ko at pinagdaanan
Mga taong nakilala ko at nakilala ako
Nuong nabubuhay pa hanggang sa kabilang buhay.



No comments: