Pages

Saturday, June 23, 2012

Sa Hanganan ng Kailanman



Sa Hanganan ng Kailanman

Mahal, ilang taon na ba tayong nagsasama?
Parang hindi ko na yata mabilang
Ilang beses na ba tayong nag-away?
Ilang beses din ba tayong nagkabati?
Ilang beses ko na bang sinabi sa’yong, “Mahal kita”?

Salamat at di ako nagkamali sa pagpili sa tulad mo
Sa bawat taon ng ating pagsasama,
Maging sa hirap man o ginhawa, sa saya , sa  lungkot
Ay patuloy kang nasa tabi ko umaalalay
Di man perpekto ang lahat ngunit naging perperkto

Tingnan mo ang mga anak natin
O kay bilis talaga ng panahon
Kailan lang ay mga musmus pa lang sila
At halos magkandarap tayo sa pagpapalaki sa kanila
Para lang mabigyan sila ng marangayang buhay

Nararamdaman mo ba ang nadarama ko?
Di ba ang gaan sa pakiramdam?
Sulit ang pagpapalaki natin sa kanila
Kahit anung hirap pa ang napagdaanan natin
Nagtagumpay tayo bilang isang magulang

Kahit na may mga sarili na silang pamilya
Ay hindi pa rin nila tayo pinapabayaan
Tingnan mo ang mga apo natin, ang lilikot
Sa tuwina’y kasa - kasama natin sila
Lalo pa kapag naghahanap buhay ang mga magulang nila

Mahal ko, aaminin ko, nitong nagdaang araw
Pinagmamasdan kita, di maiwasang ngumiti
Kasunod ng pagluha ng mga mata ko
Nagpagtanto ko na ikaw talaga ng soulmate ko
Na wala na akong mahanap na hihigit pa sa’yo

Alam kong darating ang araw papanaw din tayo
Pagmauna ka, maaari bang hintayin mo ako?
Maaari bang magkita ulit tayo sa kabilang buhay?
O kung ako man ang mauna sa’yo sa langit,
Pangako, maghihintay ako kahit pa sa hanganan ng kailanman.




No comments: