Ang Bestfriend kong Labrador
by: R. Benipayo
Ang bestfriend kong Labrador,
Babae,tsong ang pangalan,
Itim ang kulay ng kanyang balahibo
Matangkad siya at medyo tumatanda na
Matakaw siya pagdating sa pagkain
Matalino siya atmadaling turuan
Mabait siya at sobrang maamo
Maingay siya kapag tumatahol
Pagdating sa akin at pamilya ko,
Masyado siyang mapagprotekta
Pag gabi o pagwalang tao sa bahay
Parati siyang nagbabantay sa paligid
Ang alaga kong Labrador,
Bagama’t isang aso lamang
Ay itinuturing kong parang isang tao
Minamahal ko na parang isang kapamilya
Pagpumapasok ako sa trabaho
Ay sumasabay siya sa akin, inaabangang makasakay
Pag uwi ko naman ay nagaantay sa gate
Pagkakita sa ay ay tahol nang tahol at tumatalon
Parati ko siyang kinakausap na parang tao
Naglalaro kami ng habulan sa labas minsan
Napakasaya ko pagnakakasama ko siya
Nawawala ang stress ko at nagiging uli bata ako
Ang minamahal kong alagang aso
Patay na siya ngayon, naaksidente
Hinding hindi ko iyon makakalimutan
Pagkat isinalba niya ako sa kapahamakan
Patawid na sana ako noon sa highway
Nang bigla siyang tumawid sa kalye
At masagasaan ng isang kaskaserong jeep
Na kaagad naman niyang ikinamatay
Para sa akin ay isa siyang bayani
Lubos ang pasasalamat ko sa kanya
At wala na akong mahahanap pa ng isang tulad niya
Kailanman ay hindi ko siya makakalimutan.
Si Tsong, ang alaga kong labrador.
No comments:
Post a Comment