Levita Cuadrado
Layuan mo si Levita Cuadrado
Huwag na huwag kang lalapit sa kanya
Lalong lalo na pag inakit ka nito
Makamandag ang taglay niyang ganda
Huwag kang umibig sa tulad niya
Pigilin mong matukso sa kanyang alindog
Huwag kang titingin sa mga mata niya
Baka mabihag ka sa init ng kanyang gayuma
Aswang yan na lahing mambabarang
Kaya malakas ang taglay niyang kapangyarihan
Naghihiganti yan sa mga kalalakihan
Sa pagpaslang sa magulang niya nung bata pa siya
Sinunog kasi ng mga taong bayan
Ang sarili nilang lunga noon
Dahil pinatay ng magulang niya ang mga babae
Bata man o matanda sa kanilang baryo
Anak siya ni Editha Dilampoc
Kilalang isang mabangis na aswang
At ni Lorenzo Cuadrado, isang mambabarang
Mabuti at nakatago siya, nasaksihan niya ang pagpatay ditto
Minsan ay naging biktima na rin niya ako
Mabuti at nakaligtas ako sa malagim na kapahamakan
Ngunit nabaldado ako at ngayon parati na lang akong nakahiga
Napatay ko siya ngunit nabuhay siyang muli
Huwag kang magtitiwala sa lahat ng babae
Isa sa kanila ay si Levita lalo na kung gabi
Nag-aanyong iba ibang babae ito pati na pagkatao
Pagnapasakamay ka niya, papatayin ka niya at kakainin
Magiingat ka lalo na ngayon, modernong panahon
Nasa paligid lang siya huwag kang gagala sa mataong lugar
Mahilig siya sa matanong lugar lalo na at gabi
Hindi siya isang alamat, totoo siya at hindi ka ligtas!
by: R. Benipayo
No comments:
Post a Comment